^

Metro

3 Abu Sayyaf, timbog sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip ng mga awtoridad sa operasyon na isinagawa sa tinutuluyang tahanan ng mga ito sa Brgy. Culiat, Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang pagkakaaresto ng tatlo ay bahagi ng isinagawang anti-criminality operations ng pulisya para matiyak ang katahimikan, kaayusan at kaligtasan ng mga delegado ng idaraos na 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa bansa simula bukas, Nobyembre 13.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang kumpirmahin ang pagkakasangkot sa ASG ng mga naarestong suspek na sina Abdulgaffar Jikiri, alyas Abu Bakar Jikiri, 19, at residente ng  5 Al-Salaam St., 504-G Salaam Compound Brgy., Culiat; Sadam Jhofar, 24, at Alim Sabtalin, 19, kap­wa residente ng 504-G, Salaam Compound, Brgy. Culiat.

Sa ulat ni Eleazar kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, P/Director Oscar Albayalde, nabatid na dakong alas-5:15 ng hapon nang maaresto ang mga suspek, na pawang hinihinalang miyembro ng ASG, ng mga tauhan ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU), sa pangu-nguna ni P/Supt Rogarth Campo; NCRO-D6 National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at ng National Bureau of Investigation (NBI) Counter Terrorism Division, sa magkasabay na operasyon sa kanilang tahanan sa Salaam Compound.

Narekober mula kay Jikiri ang isang kalibre .45 pistola, M1911 US Army, isang magazine na may apat na live ammunition, dalawang M203 Rifle grenades, at anim na cellular phones.

Nakumpiska naman mula kay Sabtalin ang isang kalibre .9mm na may apat na live ammunition at isang Samsung duos na cellular phone habang nabawi naman mula kay Jhofar ang isang kalibre . 45, colt M1911, na may tatlong live ammunition at isang itim na sling bag.

Ang mga suspek ay sinampahan na sa Quezon City Prosecutor’s Office ng kasong paglabag sa Section 28 (unlawful possession of firearms and ammunition) ng Republic Act of 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kaugnay ng 15-araw na gun ban period para sa ASEAN Summit 2017 at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).

 Ayon kay Eleazar, patuloy na nakapokus ang QCPD sa pagtiyak na walang magaganap na anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa buong panahon nang pagdaraos ng ASEAN Summit.

Hinikayat rin niya ang publiko na maging vigilante sa lahat ng pagkakataon at kaagad na ireport sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad at indibiduwal na kanilang mamamataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with