^

Metro

Riot sa Quezon City jail: 2 preso patay, 12 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Riot sa Quezon City jail: 2 preso patay, 12 pa sugatan

Matapos ang naganap na riot sila-sila (mga preso)mismo ang naglinis ng kanilang ikinalat makaraang magbatuhan ang dalawang grupo ng gang sa Quezon City jail kung saan dalawa ang nasawi at 12 ang  nasugatan. (Kuha ni Michael Varcas)

MANILA, Philippines — Dalawang inmates ang nasawi habang 12 pa ang nasugatan makaraang su­miklab ang riot sa pagitan ng magkalabang gang sa Quezon City Jail Biyernes ng madaling araw.

Sa report ni Quezon City Jail Warden Supt. Ermilito Moral, dakong alas-4:05 ng madaling araw nang maganap ang riot sa pagitan ng ‘Bahala na Gang’ at ‘Batang City Jail’  sa lavatory ng plaza at basketball court ng nasa-bing piitan.

Kinilala ang isa sa dalawang nasawing inmate na si Edmundo Damondon, miyembro ng ‘Bahala na Gang’  na namatay sa cardiac arrest sa kasagsagan ng riot at ang isa pang nasawi na hindi pa pinangalanan ay nasaksak naman sa insidente.

Isinugod naman sa paga­mutan, ayon kay Moral ang iba pa sa mga nasugatang preso.

Ayon sa imbestigasyon, nag-ugat ang riot matapos na isang inmate ng ‘Bahala na Gang’ ang aksidenteng matapunan ng tubig nang  isang paupong  natutulog na  inmate ng ‘Batang City Jail.’

 “Nagkaroon ng hindi  pagkakaunawaan dahil nabuhusan ng tubig yung ibang inmates dahil may isang preso na binabangungot na niru-rush sa infirmary, dito na sila nagkagulo,” anang opisyal.

Inihayag pa ni Moral na inakala umano ng kalabang gang na sinadya silang buhu­san ng tubig kaya nagkasi-gawan ang mga ito at nag­salpukan.

Dito na nagkaroon ng ram­­bulan ang dalawang magkalabang gang na nagbatuhan  ng mga kahoy at upuan ang mga inmates.

Nasawata lamang ang rambulan ng mga preso matapos na magresponde ang mga elemento ng Quezon City Police District-Special Weapons and Tactics (QCPD-SWAT) team at Bureau of Jail Management and Penology Special Tactics and Response (BJMP-STAR) team.

Aminado naman ang mga lider ng dalawang gang na sanhi lamang ng hindi pagkakaunawaan ang pinagmulan ng nasabing riot.

Nabatid na hindi   bababa sa 3, 416 na preso ang nakakulong sa naturang piitan. Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with