^

Metro

Rambol sa NBP: Inmate komatos sa palo ng martilyo

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Comatose ngayon ang isang preso matapos itong mag­tamo ng matinding palo sa ulo gamit ang isang martilyo, habang anim pa ang sugatan makaraang maganap ang isang rambulan kaha­pon ng umaga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Batay sa ulat na natanggap ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa loob ng Dorm 13-C, quadrant 3, NBP.

Nabatid na nagsimula ang gulo nang maaktuhan umano ang isang miyembro ng “Sputnik Gang” na ninanakawan ang isang miyembro ng “Batang Cebu”, na nagbunsod para lusubin ng Batang Cebu ang grupo ng Sputnik Gang na armado ng sumpak at iba pang uri ng patalim hanggang sa mauwi sa isang gulo at nagresulta sa pagkasugat ng anim na preso at malagay sa kritikal na kondisyon ng isa pa.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with