^

Metro

Bumbero todas sa kapwa bumbero

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bumbero todas sa kapwa bumbero

Patay ang isang bumbero nang barilin ng kanyang  kasamahang bumbero na nagbaril din sa sarili kahapon ng umaga sa Navotas City. File

MANILA, Philippines - Patay ang isang bumbero nang barilin ng kanyang  kasamahang bumbero na nagbaril din sa sarili kahapon ng umaga sa Navotas City.

Inisyal na nakilala ang mga nasawi na sina Roseller Felix, 47 at Orlan­do Narag, Jr. 36, magkasama sa fire brigade sa may Los Martinez St., Brgy. San Jose, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng opisina ng dalawa sa may Brgy. San Jose. 

Armado ng isang 12mm gauge shotgun, nagtungo sa lugar si Narag at hinahanap ang kapatid ni Felix na umano’y may atraso sa kanya.

Hinarap naman siya ni Felix na matalik na kaibigan ni Narag hanggang sa sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa. 

Dito na pinaputukan ni Narag si Felix na nagresulta ng agad na kamata-yan. Nang makitang naliligo sa sariling dugo ang biktima ay nagbaril naman sa sarili si Narag na ikinasawi din nito.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Navotas City Police at inabutan ang bangkay ng dalawang fire volunteer.  Patuloy naman ang masusing imbes­tigasyon ng pulisya sa krimen upang mabatid ang pinag-ugatan nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with