Isang lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng anim na motorcycle riding criminals sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling araw. File

 

Tambay binoga sa ulo
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay ng anim na motorcycle riding criminals sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawi na si Roel Canibel, 42, ng no. 79-C,  Saint Anthony St.,  Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Sabi ni PO3 Jorgene Hernandez, may-hawak ng kaso,  anim na armadong mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo ang lumikida umano sa  biktima.

Nangyari ang insidente sa may loob ng bahay ng biktima dakong alas-12 ng madaling araw.

Diumano, kasalukuyang natutulog sa loob ng kanilang kuwarto ang biktima at kinakasama nitong si Rosalie Saludo nang magising mula sa malakas na tila pagsabog mula sa kanilang pintuan.

Puwersahang binuksan ng dalawang armadong suspek na kapwa naka-face mask ang pinto habang nagsilbing look out naman ang ibang suspek saka binaril sa noo at masawi.

Matapos ang pamamaril ay magkakasabay na nagpunta  sa tatlong motorsiklo at sumakay saka humarurot palayo sa lugar.

Isang basyo ng bala ang narekober ng otoridad sa crime scene. Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng pamamaril.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with