^

Metro

Trader todas sa ambush sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

Bag na may cash tinangay

MANILA, Philippines -  Patay ang isang negos­yante makaraang bariln ng isa sa dalawang lalaki at tumangay din ng kanyang bag na naglalaman ng  pera, habang ang una ay naglalakad sa isang palengke sa Quezon City kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU) si Julian Sarmiento, 46, biyudo, ng No. 16 Maagap St., Doña Isaura, Subdivision, Brgy. Nova Proper, Novaliches. QC ay binaril sa loob ng Susano Market, Dumalay St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, dakong alas-9:40 ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ni P03 Jim Barayoga nag­lalakad ang biktima sa loob ng palengke kasama ang isang Lolito Gopo nang biglang sumulpot ang isa sa suspek na armado ng baril at pinaputukan ang una sa ulo na agad na ikinamatay nito.

Pero bago umalis ang gunman ay kinuha nito ang sling bag na dala ng biktima saka sumakay sa naghihintay na motorsiklo at tumakas.

Narekober naman ng Scene of the Crime Operatives  (SOCO) sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril dalawang cellular phone na pag-aari ng biktima.

Patuloy pa rin ang im-bestigasyon ng imbestigador ng CIDU sa naturang insidente.

vuukle comment

QCPD-CIDU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with