^

Metro

Naaagnas na bangkay ng ginang, natagpuan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may limang araw ng patay ang isang ginang nang madiskubre ang kanyang naaag­nas nitong bangkay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Little Baguio, San Juan City.

Batay sa ulat ng San Juan City Police na naka­ra­ting sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Ro­mu­lo Sapitula, dakong alas-10:30 ng umaga nang ma­diskubre ang bangkay ng biktimang si Necitas Tan, nasa hustong gulang, sa loob ng kanyang bahay na matatagpuan sa 294 Jose Abad Santos St., Barangay Little Baguio.

Nauna rito, nakaamoy umano ng masangsang ang mga kapitbahay ng biktima mula sa bahay, kung saan mag-isang naninirahan si Tan kaya’t kinatok ngunit wala namang sumasagot.

Naghinala ang mga ka­pitbahay na may masamang nangyari kay Tan, kaya’t kinontak nila ang  anak nitong si Veronica Paredes, na siya namang hu­mingi ng tulong sa mga pulis.

Pinuntahan ni SPO1 Den­nis Ramos ng San Juan Police at mga barangay officials ang tahanan ni Tan at binuksan ngunit bu­mulaga sa kanila ang bangkay ng biktima.

Sa ulat ng Scene of  the Crime Operatives (SOCO), posibleng may limang araw nang patay ang biktima dahil sa pagkaagnas na ng katawan nito.        

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang insiden­te upang matukoy ang da­hilan ng pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

NAAAGNAS NA BANGKAY NG GINANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with