^

Metro

Binata patay sa tarak ni kuya

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 21- anyos na caretaker makaraang pagsasaksakin ng kanyang sariling kuya dahil lamang sa simpleng pagtatalo sa loob ng bahay ng una sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Angelo Coquilla, binata ng Ermin Garcia St., Brgy. E. Rodriquez, Cubao, Quezon City.

Tinutugis naman ang kapatid nitong suspek  na si Eleuterio Coquilla, 27, ng Brgy. Payatas, QC.

 Sa imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may second floor ng bahay ni Angelo, dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Lumalabas na bago ang insidente, masaya pang nag-iinuman ang magkapatid kasama   ang mga testigong sina Geraldine Plana, 22, at Joyce Tupaz, 20.

Nag-ugat ang diskus­yon ng mag-utol nang humingi si Plana ng isang face towel sa boyfriend na si Eleuterio para pamunas ng pawis, pero ang ibinigay nito ay ang t-shirt ng kapatid na si Angelo dahilan upang magalit ang huli na humantong na sa mainitang pagtatalo.

Para hindi na huma­ba ang pagtatalo ay nag­pasyang bumaba ang biktima. Pero ilang sandali ay nagpasyang bu-malik sa 2nd floor ng bahay para kunin ang naiwang pera. Inakala naman ng kuya nito na siya ang binalikan ng kapatid kaya pinagsusuntok niya ito hanggang sa saksa-kin sa dibdib.

Gayunman, sa kabila ng tinamong sugat ay nagawa pang makababa ng biktima at humingi   ng tulong para madala siya sa pagamutan pero hindi na rin umabot pa nang buhay.

Nabatid na mabilis namang tumakas ang suspect na kuya matapos ang insidente.

 

vuukle comment

ANGELO COQUILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with