Bus driver nanapak ng enforcer, arestado
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines – Arestado ang isang bus driver matapos nitong sapakin ang isang traffic enforcer nang hulihin ito sa paglabag sa batas trapiko, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakakulong sa Pasay City detention cell ang suspect na si Jarlin Gumegom, 41, driver ng DLTB Bus Company.

Namaga ang mukha ng biktimang si Bernardo Pimentel, 37, enforcer ng Pasay City Traffic Bureau, taga-Malibay ng naturang siyudad.

Ayon sa report na natanggap ni Police Chief Inspector Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDM), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga sa panulukan ng Taft Avenue at Buendia  ng nasabing lungsod.

Habang nagmamando ng trapik ang biktima, namataan nito ang suspect, na lumabag sa batas trapiko dahil sa ilegal parking dahilan upang sitahin niya ito.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng enforcer at driver at dito na sinapak sa mukha ng suspect ang biktima.

Hindi gumanti ang biktima at tinawag na lamang nito ang ibang kasamahang enforcer upang arestuhin ang naturang driver na nahaharap sa kasong physical injury.

DLTB BUS COMPANY ROLANDO BAULA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with