^

Metro

25 pumping stations itatayo ng MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para higit na masolusyunan ang problema ng pagbaha, magdadagdag pa ng 25 pumping stations sa ibat-ibang panig ng Metro Manila.

Ito ang nabatid kahapon kay Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos.

Ayon kay Carlos, oras na maaprubahan ang P22 bilyon loan mula sa World Bank ay masisimulan na ang pagtatayo ng dagdag pang pumping stations sa Kalakhang Maynila.

Ang National Economic Development Authority (NEDA) umano ang mag- aapruba ng naturang budget.

Sa oras na maaprubahan ito ay inaasahang masisimulan ang inisyal na konstruksiyon ng limang pumping stations pagpasok ng susunod na taon.

Popondohan umano ng World Bank ang 60 porsiyento ng proyekto habang ang nalalabing 40 porsiyento ay papasanin ng national government.

Sa kasalukuyan ay mayroon 53 pumping stations sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with