Nigerian, misis timbog P.5-M shabu itinago sa make-up
MANILA, Philippines – Dinakip ang isang Ni-gerian national at misis nito sa isang buy-bust operation, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang mag-asawa na sina Onyinchukuwu John Aneke, 35, isang Nigerian national, at Lorena, 35, isang Filipina, na naninirahan sa panulukan ng Eduque at Infanta Sts., Tondo
Sa ulat mula sa tanggapan ni Chief Insp. Francis Vargas ng Manila Police District-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (MPD-AID-SOTG), bandang alas 5:00 ng hapon isinagawa ang operasyon at nang mabentahan ang poseur-buyer ay sinalakay na ang tindahan.
Nang rikisahin, nakarekober ang grupo ni Vargas ng shabu na itinago sa loob ng Archie make up cream na ibinebenta ng mag-asawa .
Nasa 7 gramo ng shabu ang nilalaman ng bawat isang make-up cream na nagkakahalaga ng P500,000. Samantha Valmonte-trainee
- Latest