^

Metro

Kawani ng Ecopark nalunod sa pool

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabahiran ng lungkot ang dapat sana’y masayang get together party ng mga kawani ng La Mesa Eco Park makaraang isang 54 anyos na lalaking kasamahan nila ang umano’y malunod sa swimming pool dito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ayon kay PO2 Virgilio Mendoza, imbestigador, ang biktima ay nakilalang si Alfredo Tapia, 54, maintenance officer ng Eco Park, may-asawa ng Sitio Ruby, Brgy. Greater Lagro sa lungsod.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may swimming pool ng La Mesa Eco Park na matatagpuan sa Brgy. Lagro, QC ganap na alas 8:30 ng gabi.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Mendoza, bago ang insidente ang biktima at kan­yang mga kasamahan ay masayang nagdiriwang ng get together party sa na­turang lugar.

Sabi ng security guard na si Allan Ibay, nagbabantay siya sa kanyang puwesto nang ma-monitor niya sa dalang handheld radio na may isang kawani ng parke na nalunod sa swimming pool.

Ilang sandali nakita uma­no niya ang kanilang medical team sa pamumuno ni Anna Marie Macapal na itinatakbo ang biktima sakay ng kanilang emegency shuttle sa Fairview General Hospital subalit idineklara rin siyang dead-on-arrival dakong alas-9:25 ng gabi ni Dr. Krystal Carol Ancheta, ang attending physician.

vuukle comment

FIBA OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

TAB BALDWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with