^

Metro

Nagpalipad pa ng mga pera; 2 holdaper timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang epekto ang ginawang pagpapalipad ng pera ng riding in tandem upang pagkaguluhan ng mga tao at maharang ang humahabol na mga pulis nang sila ay bumangga sa electronic bike at masiraan na na­ging dahilan ng pagkaka-korner at pag-aresto sa kanila sa San­dejas St., Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat mula kay P/Supt. Adrine Gran, hepe ng Manila Police District-Station 9, dakong alas-5:45 ng umaga ng maganap ang insidente sa Sandejas St., Malate nang maaresto ang mga suspek na kinilalang sina Deben Tolen­tino, 34, at John Robert Fuentes alyas Joy, 38, mi­yembro ng Batang City Jail.

Narekober mula kay Tolentino  ang improvised triangular icepick at balisong na may habang 9 na pulgada sa backride niyang si Fuentes. Nabawi naman ang pouch bag ng biktimang kinilalang si Emelinda Bantucan.

Habang nagpapatrulya umano ang mga pulis ay nakita ang biktima na nagsisisigaw kaya nilapitan at itinuro ang papatakas na ri­ding in tandem at nang-agaw ng kaniyang bag sa bahagi ng P. Ocampo St., Malate.

Hinabol ng mga oulis ang mga suspek na tumawid pa ng Taft Avenue at pagsapit sa Sandejas St. ay nabangga naman sa E-bike na ikinasira ng motorsiklo kaya sila naabutan at naaresto. Ludy Bermudo/trainee Aaron Kenneth Banfong

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with