^

Metro

Sa depektibong school building magulang nagpapasaklolo kay PNoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng  pangamba hinggil sa  panganib na dulot ng depektibong school building, nagpapasaklolo kay Pangulong Noynoy Aquino ang mga magulang ng mga estudyante ng Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Maynila. Kahapon ng umaga nang  magka-isa ang mga magulang na magsagawa ng kanilang protesta  habang hawak ang placard na nagsasaad ng kanilang kahilingan at pagkondena sa classrooms na itinayo  noon pang  2010.

“Kami po ay nananawagan kay Pangulong Be­nigno Aquino, na sana naman po ay i-prioritize niya ang so­lusyon sa problema namin dito sa Rosauro Almario Elementary School. Lalo na po kasi ay magbubukas na ang klase, madadagdagan ang mga istudyante, eh yung mga bata malilikot. Natatakot po kami na baka may mangyari sa kanila sa sirang building na ‘yan,” ani Romeo Valenzuela na magulang  at tiyuhin ng mga  estud­yante ng nasabing paaralan.

Naitayo ang gusali sa halagang P68.5 milyon noong Abril 28, 2010 ngunit inabandona agad noong isang taon dahil sa mga siwang, biyak sa mga pundasyon nito at sari-saring mga depekto. Kinumpirma rin ng mga inhinyero mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – National Capital Region (NCR) ang mga nauna nang findings ng inspection team ng DPWH.

Mapapansin din na tumatabingi  ang naturang gusali at humihiwalay sa Main Building kung saan ito naka-konekta, na ayon sa mga inhinyero ay senyales na ang buong istruktura ay nanganganib gumuho anumang oras. Sinuportahan naman ni Dr. Romeo Fernandez, prin­­cipal ng paaralan ang apela ng mga magulang sa national at city government na agad na aksiyunan ang problema dahil inaasahang madadagdagan ang bilang mga bagong estudyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with