^

Bebot tinaniman ng bala sa ulo

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Utas ang isang hindi pa nakikilalang babae nang barilin sa ulo ng hindi pa rin nakikilalang salarin ilang metro lamang sa istasyon ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na may taas na 4’8”, nasa pagitan ng edad 18-22 anyos, payat, mahaba ang buhok, nakasuot ng itim na damit at may mga tattoo na bulaklak, paru-paro sa iba’t ibang bahagi ng katawan kabilang ang tattoo na “Aldrin and Vianca” sa likod.

Sa ulat, naka-duty sa loob ng Police Community Precinct 3 sa may kanto ng Hito at Hiwas St. sa Brgy. Longos sina P/Insp. Paul Dennis Javier at PO2 Ronald Lopez dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Agad na rumesponde ang mga pulis hanggang sa makita ang duguan at wala nang buhay na biktima na nakalugmok sa may Hiwas Street.

Blangko pa sa pulisya ang motibo sa krimen partikular ang anggulong panghoholdap dahil sa narekober pa sa bangkay ang pulang sling bag nito, mga suot na alahas, isang cellular phone, at cash na P220.

Ayon sa mga residente, dayo lamang umano sa lugar ang biktima at hindi rin tiyak ang pakay nito. Wala namang gustong lumantad na saksi sa krimen dahil sa takot na sila ang balikan ng mga kriminal.

ALDRIN AND VIANCA ANG AYON BLANGKO BRGY HIWAS ST. HIWAS STREET MALABON CITY PAUL DENNIS JAVIER POLICE COMMUNITY PRECINCT RONALD LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with