18 arestado sa drug den operation
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Labingwalo katao ang ina­resto ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drug-Special Operation Task Group (QCPD-AIDSOTG) makaraang ma­aktuhang nagsasagawa ng pot-session matapos ang pagsalakay sa isang compound sa Brgy. Pa­song Tamo na ginagawa umanong drug den sa lungsod, kamakalawa.

Ayon kay Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng task group, ang mga suspect ay kinabibilangan ng labingda­lawang lalaki at anim babae. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jo­selito Gagaza, nangyari ang operasyon sa may Sitio Bacood compound, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod, ganap na alas-9:30 ng gabi.

Bago ito, nagsagawa ng surveillance ang tropa ni Figueroa sa nasabing compound matapos ang impormasyon na ilang kabahayan dito na minamantine ng isang alyas Akol ay ginagamit bilang drug den.

Nang makumpirma ang na­sabing impormasyon ay agad na pinlano ang operation kung saan naaktuhan ang mga suspect habang bumabatak ng shabu. Nakatakas naman sa operasyon ang nasabing drug owner nang isagawa ang nasabing operasyon.

Narekober sa nasabing ope­rasyon ang 59 na piraso ng plastic sachet ng shabu; siyam na piraso ng plastic sachet na may bakas ng shabu; pitong piraso ng aluminum foil tooter,  dalawang piraso ng improvised lamp, pitong piraso ng dispo­sable lighter; at ang P15,000 marked money. Sa kasalukuyan, ang mga suspect ay nakapiit sa nasabing Camp Ka­ringal habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang comprehensive dangerous drug act of 2002.

ACIRC ANG BRGY CAMP KA CHIEF INSP DRUG-SPECIAL OPERATION TASK GROUP ENRICO FIGUEROA PASONG TAMO REPUBLIC ACT SHY SITIO BACOOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with