_ngayon
^

Preso balik selda

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Balik bilangguan ang preso na pumuga kamakailan sa kulungan nang muling madakip ng pulisya kamaka-lawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Naaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 6 ang suspek na si Leonardo Kistodio, nasa hustong gulang, sa may NPC Road, Brgy. 165 Bagbaguin, ng naturang lungsod.

Sa ulat, nabatid na tumakas ang mga presong sina Kistodio, Danilo Bodiso, Ryan Vincent Modesto at Raymund Abalantac sa noong Nobyembre 21. Nilagari ng mga preso ang bakal na rehas sa bintana ng selda sa PCP 6.

Isa-isa namang nada-kip sa magkakasunod na operasyon sina Bodiso, Modesto at Abalantac nitong Nobyembre habang naging mailap si Kistodio.

Nakarating naman sa pulisya ang impormasyon na naglalagi sa Barangay Bagbaguin si Kistodio kaya agad na kumilos ang isang grupo ng pulisya. Nalambat si Kistodio habang naglalakad sa may NPC Road.

ABALANTAC ANG BARANGAY BAGBAGUIN CALOOCAN CITY DANILO BODISO KISTODIO LEONARDO KISTODIO NOBYEMBRE POLICE COMMUNITY PRECINCT RAYMUND ABALANTAC RYAN VINCENT MODESTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with