^

Metro

Rider patay, binatilyo sugatan sa van

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang motorcycle rider habang malubha naman ang isang binatilyo nang kapwa mabundol ng isang rumaragasang delivery van, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center­ ang 23-anyos na si Raymond Manalo, residente ng Lakas ng Mahirap, Brgy. 11, ng naturang lungsod, habang inoobser­bahan naman ang kundisyon ng 13-anyos na si John Jaime Derder, ng PNR Compound, Caloocan.

Arestado naman ang driver ng Isuzu Forward aluminum van (RJB-320) na si Nestor Natividad, 52, ng Solano, Nueva Ecija.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ng van ang Samson Road patungo ng Monumento nang mahagip ang binatilyong si Derder na naglalakad sa gilid ng kalsada sa may kanto ng Heroes Del.

Pagkabig sa kabila ng manibela ng tsuper, nahagip naman ng van ang Suzuki motorcycle (1793 SN) na minamaneho ni Manalo sanhi upang sumemplang ito at pumailalim sa van. Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Manalo na dahilan ng pagkasawi nito.

Agad namang nasakote ng mga awtoridad si Natividad na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

HEROES DEL

ISUZU FORWARD

JOHN JAIME DERDER

MANALO

NESTOR NATIVIDAD

NUEVA ECIJA

RAYMOND MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with