^

Metro

Kelot utas sa Army reservist

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 47-anyos na lalaki ang binaril at napatay  ng Phi­lippine Army reservist dahil sa pangungulit at pangangan­tiyaw ng una sa hindi pumu­tok na baril, kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Charles John Duran ng Manila Police  District-Homicide Section ang  biktima na si Rodolfo Bar­­bosa Jr. alyas RJ, na nag­tamo ng  apat na tama ng bala ng baril  sa iba’t ibang  bahagi ng  katawan.

Nakakulong naman nga­yon ang suspek na si Rony Belezario, 43, PA Reservist, binata. Ang dalawa ay parehong naninirahan sa M. Dela Fuente Street, Sampaloc, Maynila.

Sa report ni Duran, pa­sado alas-4:10 ng madaling araw nang pagbabarilin ng suspek ang biktima sa  kanto  ng Arevalo at M. Dela Fuente Sts. sa nasabing lugar.

Batay sa pahayag ng 12- anyos na saksi, bumibili siya ng pandesal sa bakery sa nasabing kanto ng M. Dela Fuente St. nang makarinig siya ng putok.

Dito na niya nakita ang biktima na tumatakbo pa­punta sa kanyang kinatatayuan hanggang  sa madapa ito.

Agad namang sinabi ng saksi sa pulisya  ang kanyang  nasaksihang krimen kaya’t madaling nasakote ang suspek na hindi pa nakakaalis sa crime scene. Positibo itong itinuro ng  saksi.

Inamin naman ng suspek ang pamamaril sa pagsasa­bing nagawa lamang niya ito dahil sa pangungulit at pa­­ngangantiyaw ng biktima nang hindi pumutok ang kanyang baril sa unang pagkakataon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHARLES JOHN DURAN

DELA FUENTE ST.

DELA FUENTE STREET

DELA FUENTE STS

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE

MAYNILA

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with