^

Metro

Motorsiklo vs bus, rider utas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang  motorcycle rider ang nasawi makaraang makasalpukan ang isang pampasaherong bus sa MacArthur Highway, Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Ernesto Rio, 24, ng Brgy. Marulas, ng naturang lungsod.  Malubha naman ang kondisyon ng kanyang angkas na si Kevin Dopalco, 18, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng Valenzuela Traffic Unit, naganap ang insidente dakong alas-4:20 ng hapon sa south-bound lane ng MacArthur Highway sa Brgy. Marulas.  Patungo umano sa Monumento ang dalawang biktima nang sumalpok sa kanang unahan ng JRMS Transport bus (TYJ-537) ang minamanehong Honda motorcycle.

 Pa-u-turn umano ang naturang bus na minamaneho naman ni Carlito Alva, 44,  ng Quezon City nang masalpok nito ang motorsiklo. Kapwa tumilapon ang dalawang biktima sa kalsada at nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad na isinugod ang dalawang biktima sa Valenzuela Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay si Rio habang inoobser­bahan ang kundisyon ni Dopalco.

Hawak naman ngayon ng pulisya ang bus driver na si Alva na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homicide. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANG

BRGY

CARLITO ALVA

DANILO GARCIA

ERNESTO RIO

KEVIN DOPALCO

MARULAS

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA MEDICAL CENTER

VALENZUELA TRAFFIC UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with