^

Metro

52-anyos binurdahan ng saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 52-anyos na fruit checker nang tadtarin ng saksak ng hindi pa tukoy na salarin sa Gate 15 Parola Compound, Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Reynaldo Gonzales ng Asuncion Extension st.,Tondo.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa Manila International Container Port (MICP) Access Road, Gate 15 Parola.

Nabatid na hinihintay ng biktima ang kanyang nobya nang bigla na lang atakehin ng saksak ng suspect.

Iniwan ng suspek ang biktima nang duguan na itong bumagsak sa kalye.

Inaalam pa ang pagkilanlan ng suspek at kung ano ang motibo sa krimen.

ACCESS ROAD

ASUNCION EXTENSION

INAALAM

INIWAN

KINILALA

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

PAROLA COMPOUND

REYNALDO GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with