^

Metro

‘Batang Hamog’ nabaril ng parak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang ‘Batang Hamog’ matapos mabaril  nang tangkaing saksakin ng una  ang isang pulis na nakahuli sa kanilang grupo habang binubuksan at pagnanakawan ang isang taxi, kahapon sa Pasay City.

Nilalapatan ng lunas ngayon sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang 14-anyos na si Ronnie Arganda, na nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 9mm na baril  sa katawan na tumagos sa likuran nito.

Samantala, nakakulong naman sa Pasay City Police detention cell ang lider nitong si Arnel Igne, alyas Onyok, 18.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC), Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:49 ng madaling-araw  sa Taft-Arnaiz Avenue ng naturang lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang mga pulis mula sa mga motorista hinggil sa modus operandi ng grupo ng ‘Batang Hamog’ sa naturang lugar na siyang naging target ng pagpapatrulya ng pulisya  sa may Taft-Arnaiz Avenue ng naturang lungsod.

Dito nila namataan ang grupo ng mga ‘Batang Hamog’ sa pamumuno ni Igne habang binubuksan ng mga ito ang isang nakaparadang taxi.

Dali-daling pinuntahan ng mga pulis ang naturang grupo at habang inaaresto nila ito, tinangka ni Arganda na bumunot ng patalim at  tinangkang sasaksakin si PO2 Jessie Bellesta.

Naging maagap naman si PO1 Benigno Aquino kaagad itong nakabunot ng baril at pinaputukan ang binatilyo at nang duguan itong tumumba ay mabilis naman itong dinala sa naturang ospital. Nadakip naman ang lider na si Igne, na nakatakdang sampahan ng kaso.

vuukle comment

ARNEL IGNE

BATANG HAMOG

BENIGNO AQUINO

JESSIE BELLESTA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

RONNIE ARGANDA

SENIOR SUPT

TAFT-ARNAIZ AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with