_ngayon
^

Trike driver itinumba

Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang tricycle driver makaraang barilin ng isa sa tatlong salarin habang ang una ay bumibili sa isang tindahan sa Brgy. Balingasa, lungsod Quezon sa panimula ng simbang gabi kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO1 Raldwin Sanchez, may-hawak ng kaso ang nasawi na si Lyndon Ruazol,­ 34, ng 245 11th Avenue­, Grace Park,Caloocan City. Si Ruazol ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang katawan na siyang agad na ikinamatay nito.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng 11th Avenue, corner Galino St., Brgy. Balingasa, ganap na ala 1:34 ng madaling-araw.

Ayon kay Eric Tamayo, nagbabantay siya ng kanyang tindahan nang marinig ang isang putok ng baril mula sa labas.

Dahil dito, nagpasya si Tamayo na lumabas para tingnan ang pinanggalingan ng putok, hanggang sa bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima habang nakabulagta sa simento.

Hindi kalayuan sa lugar ay nakita umano ni Tamayo ang tatlong lalaki na nagmamadaling sumakay sa isang tricycle saka humarurot palayo sa lugar.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing in­sidente.

BALINGASA BRGY CALOOCAN CITY ERIC TAMAYO GALINO ST. GRACE PARK LYNDON RUAZOL RALDWIN SANCHEZ SI RUAZOL
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with