^

Drug store, nilooban

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nilooban ng mga kawatan ang isang sangay ng isang kilalang drug store sa Pasig City kahapon ng umaga.

Nagtungo sa tanggapan ng Pasig City Police sina Liezel Mata at Gerardo Sa­nga, assistant pharmacist  at representative ng drug store na matatagpuan sa Puregold Bldg, C. Raymundo Ave. corner F. Legaspi Ave. Brgy. Maybunga, Pasig City upang ireklamo ang naganap na nakawan sa establisimento.

Sa salaysay nina Mata at Sanga, nabatid na dakong alas-6:40 ng umaga nang madiskubre ang pagnanakaw nang dumating sila sa kanilang trabaho.

Nang siyasatin naman ng mga imbestigador ang kuha ng CCTV, natuklasang hindi nakuhanan ang pagnanakaw dahil maagap na tinakpan ng mga kawatan ang camera.

Nakapasok ang mga magnanakaw sa establisimento sa pamamagitan nang pag-akyat sa bubong, saka sinira ang kisame.

Tanging mga gamot lamang naman ang natangay ng mga suspek dahil hindi nabuksan ng mga kawatan ang vault ng tanggapan.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga awtoridad para matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek at para maaresto ang mga ito.

GERARDO SA LEGASPI AVE LIEZEL MATA PASIG CITY PASIG CITY POLICE PUREGOLD BLDG RAYMUNDO AVE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with