_ngayon
^

Metro

MMDA traffic enforcer nahuling suma-sideline, pinapurihan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinuri ni  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang isang traffic enforcer na nakuhanang nagtitinda ng mga kakanin sa kahabaan ng EDSA kamakailan.

Nabatid  na noong Nobyembre 4 ng taong kasalukuyan, nakunan ng litrato si Traffic Enforcer 3 Fernando Gonzales, 51, habang nag-aalok ng panindang kakanin sa ilang motorista sa EDSA at kumalat ito sa social media.

Kahapon ay ipinatawag ni Tolentino ang naturang enforcer. Takot na takot at halos nangangatog pa si Gonzales sa pag-aakalang pagagalitan siya ng Chairman pero ang takot ay napalitan ng katuwaan nang papurihan siya ng naturang opisyal.

Naiyak pa si Gonzales nang papurihan siya ni Tolentino at ayon dito, isang mabuting halimbawa sa iba.

Ani Gonzales, P15,000 lamang ang buwanang sahod niya kaya kailangang kumayod sa legal na paraan para matustusan ang pag-aaral ng dalawang anak.

Base sa rekord ng MMDA, si Gonzales ay taga-Bagong Barrio, Caloocan City ay  nakatapos  ng kursong Criminology, ngunit hindi ito naging pulis kung kaya’t sa MMDA na lang ito pumasok bilang traffic enforcer.

Nabatid na naging maganda ang rekord ni Gonzales at sa kabila na nagiging sentro siya nang panunukso ng ilan niyang kasamahan dahil sa kanyang sideline,  hindi siya napipikon at ang katwiran nito  ay kumikita siya sa malinis na pamamaraan at hindi siya nangongotong.

ANI GONZALES BAGONG BARRIO CALOOCAN CITY CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO FERNANDO GONZALES GONZALES METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY NABATID SIYA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with