Kelot todas sa parak
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang parak ang isang  lalaki na pumukpok ng baril sa kanyang ulo nang kanyang sinita sa isang  checkpoint sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Valentino Gonzales, vendor ng 176 JP Rizal Ext., Brgy. Villa Maria Clara,  Project 4 sa lungsod.

Kusa namang sumuko ang pulis na si PO2 Ronnie Barandon, 39, may asawa, miyembro ng District Special Operation Unit ng QCPD at residente sa  Brgy. San Roque.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Kalantiyaw St., corner Salalila St., Brgy. Milagrosa, Project 4, ganap na alas 3:30 ng hapon habang nagsasagawa ng anti-criminality campaign sa lugar si Barandon.

 Nakita niya si ­Gonzales na naglalakad na tila may nakasukbit na baril sa kanyang bewang. Sinita ni Barandon si Gonzales pero sa halip na magpaliwanag ay biglang binunot ng huli ang baril na napag-alamang replika lamang at hinataw sa ulo ang  pulis.

 Dahil dito, binunot ni  Barandon ang kanyang baril pero dinamba siya ni Gonza­les at nakipagpambuno dito. Sa pangambang manganib ang kanyang buhay, binunot ni Barandon ang kanyang baril ay pinaputukan niya ang biktima sa katawan.

Dahil kapwa sugatan, itinakbo ng ilang mga residente si Barandon sa Quirino Memorial Medical Center matapos na magtamo ng sugat sa ulo, habang si Gonzales naman ay sa World Citi Medical Center pero idineklara ding patay ganap na alas 5:20 ng hapon.

BARANDON BRGY DAHIL DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT GONZALES KALANTIYAW ST. QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER RHIC ROLDAN PITTONG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with