^

Metro

‘Tulak’ sabog ang mukha

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong tumataas ang insidente ng pamamaslang sa lungsod ng Caloocan dahil sa iligal na droga makaraang isang itinuturong drug user ang mapaslang nang taniman ng bala sa mukha ng hinihinalang mga miyembro ng isang sindikato, kamakalawa ng gabi. Agad na nasawi ang biktimang nakilalang si Gordon­ Kenneth Dannielson, 33, ng Gawad Kalinga, Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang pamamaslang kay Danniel­son sa tapat ng bahay nito. Katatapos pa lamang nitong kumain nang magpasyang tumambay sa labas. Paglabas pa lamang ng bahay ay sinalubong na ito ng mga nag-aabang na salarin at agad na binaril nang malapitan sa mukha. Agad nagsitakas ang mga salarin nang matiyak na wala nang buhay ang biktima. Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga killer dahil sa nananahimik ang mga residente.  Naniniwala naman ang mga imbestigador na posibleng onsehan sa iligal na droga ang motibo ng pamamaslang dahil sa kilalang gumagamit umano ng iligal na droga ang biktima.

BAGONG SILANG

BLANGKO

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

DANNIEL

GAWAD KALINGA

GORDON

KENNETH DANNIELSON

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user