^

Metro

Senglot itinumba sa tindahan

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 42-an­yos na senglot makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng tindahan  sa Parola Compound, Binondo sa Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Melencio “Nonoy Tahi” Serrano­ ng #0420 Gate 54, Area B sa Parola compound sa na­banggit na lugar.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:15 ng madaling araw nang lapitan at ratratin ang biktima sa harap ng tindahan sa Gate 54 Area B.

Napag-alamang lango sa  alak ang biktimang nagla­lakad pauwi kasama ang kaibigang si alyas “Dodong” nang biglang harangin at pagbabarilin.

Duguang bumagsak ang­ biktima subalit muling pi­­na­putukan ng gunman upang masigurong hindi na mabubuhay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, wala namang atraso ang biktima sa nasabing lugar.

 

AREA B

BINONDO

DALAWANG

DODONG

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NONOY TAHI

PAROLA COMPOUND

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with