^

Tindera dinedo sa burger stand

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya napatay ang 20-anyos na tindera matapos saksakin ng dating ka-live-in sa loob ng burger stand sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa  Gat Andres Bonifacio  Memorial Medical Center si Jerica Sioco, tindera ng Burger Machine, ng B-5 Boni­facio Street, Magsaysay Village sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyan  namang nakakulong sa MPD Homicide Section ang suspek na si Richard Ryan Reyes, 28, live-in partner  ng biktima at residente ng #731-D, Pampanga Street sa Gagalangin, Tondo.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, bandang alas-5:30 ng umaga­ nang naganap ang krimen sa harap ng MPD Station 2 sa panulukan ng Juan Nolasco Street at Morga Street.

Nabatid na naabutan ng suspek ang biktima na pinapaypayan  ang karelasyong pulis sa loob ng burger stand at bago siya nakalapit ay mabilis na umalis ang pulis.

Nabatid din na nagmamakaawa  ang suspek sa biktima na bumalik na sa kanya upang maalagaan ang kanilang anak.

Gayon pa man, nagmatigas ang biktima hanggang sa nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap kung saan nagdilim ang pag-iisip ng suspek kaya  pinasok  niya ang  loob ng burger stand saka sunud-sunod na sinaksak ang babae.

BURGER MACHINE GAT ANDRES BONIFACIO GLENZOR VALLEJO HOMICIDE SECTION JERICA SIOCO JUAN NOLASCO STREET MAGSAYSAY VILLAGE MEMORIAL MEDICAL CENTER
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with