Kelot itinumba sa covered court
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa covered court ng Brgy. Silangan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Raymond Masela, 38, Gen. Canon St., Brgy. Silangan.

Ayon kay PO2 Rhic Roldan Pittong, patuloy ang pagsisi­yasat na kanilang ginagawa upang matukoy ang salarin.

Nangyari ang insidente, ganap na alas-12:30 ng mada­ling araw sa covered court na matatagpuan sa Abraham Lane, Cove­­nant­ Village, ng nasabing barangay.

Ayon kay Jojo Masela, kapatid ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig siya ng dalawang putok ng baril mula sa labas.

Nang kanyang puntahan, isang kapitbahay ang nagsabi sa kanya na ang kanyang kapatid ay binaril. 

Agad niyang pinuntahan ang lugar kung saan niya nakita ang kapatid na walang buhay na nakahandusay sa semento.

Sabi ni Pittong, pauwi na ang biktima sakay ng bisikleta nang lapitan ng hindi nakilalang salarin at paputukan.

Ayon naman sa ina ng biktima, may nakapagsabi sa kanya na naglaro umano ang biktima ng cara y cruz, bago nangyari ang insidente at nanalo ito.

Maaari anyang may napikon sa mga kalaro ng biktima kung kaya ito binaril at mamamatay.

 

ABRAHAM LANE AYON BIKTIMA BRGY CANON ST. JOJO MASELA RAYMOND MASELA RHIC ROLDAN PITTONG SILANGAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with