Bahay ng lady engineer inakyat bahay
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nalimas ang hindi pa mabatid na halaga ng mga mamahaling alahas ng 55-anyos na babaeng engineer matapos looban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang habang sila ay nagbabakasyon sa probinsya noong Bagong Taon.

Sa ulat ni PO2 Rhic Roldan Pittong, ang pinagnakawang bahay ay pag-aari ni Roemarie Rojo, may-asawa, mechanical engineer at nakatira sa New Capitol Estate Subd. sa Barangay Batasan Hills.

Natuklasan ng anak ni Roemarie na si Robby Allan ang pagnanakaw makaraang bumalik na sila ng bahay bandang alas-5 ng hapon.

Nabatid na nagpunta ang pamilya Rojo sa Iloilo noong Kapaskuhan at iniwan nilang walang nagbabantay ang kanilang bahay subalit tiniyak umano nilang naka-lock ang mga pinto nito.

Subalit, pagbalik sa bahay ni Robby Allan bago ang pagpapalit ng taon ay napuna nito ang main door ng kanilang bahay na nakabukas kung saan nagkalat ang mga gamit sa loob at nawawala na ang alahas.

Sinasabing nagawang makapasok ng mga kawatan matapos wasakin ang steel window grill sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Rojo.

AKYAT-BAHAY GANG BAGONG TAON BAHAY BARANGAY BATASAN HILLS ILOILO NEW CAPITOL ESTATE SUBD RHIC ROLDAN PITTONG ROBBY ALLAN ROEMARIE ROJO ROJO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with