_ngayon
^

Metro

Sta. Cruz fire: 4 katao patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang kumpirmadong nasawi matapos na lamunin ng apoy ang tinutuluyan nilang condominium sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Erlinda Ching, 40, at mga kasambahay na nakilala lamang sa mga pangalang Princess, Fatima at Rema.

Si Ching ay natagpuang nakalawit pa ang paa sa rehas­ ng nakakandadong fire exit sa mezzanine habang ang mga kasambahay ay natagpuang magkakatabi sa 3rd floor ng bahay sa 604 Fernandez St., Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay Chief Insp. Bonifacio Carta ng Manila Fire Department, nag­simula ang sunog dakong alas-5:00 ng umaga at idi­neklarang fire-out dakong alas-7:00 ng umaga. Uma­bot ang sunog sa ika-limang alarma.

Tinatayang P3 milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division sa sanhi ng sunog bagama’t sina­sabing nagmula ito sa nag-overheat na charger ng cellphone.

 

APAT ARSON DIVISION BONIFACIO CARTA CHIEF INSP CRUZ ERLINDA CHING FERNANDEZ ST. MANILA FIRE DEPARTMENT SI CHING
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with