^

Metro

Binatilyo todas sa sekyu

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang binatilyo nang tangkain nitong agawin ang baril ng isang guwardya kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa batok ang biktimang si Oliver Malvar, 16, naka­­tira sa naturang   lungsod.

Nasa custody naman ng Valenzuela City Police ang suspect na si Jose Renaldo Ocampo, 40, guwardya ng isang drugstore, na matatagpuan  sa McArthur Highway, Brgy. Karuhatan ng naturang  lungsod.

Ayon sa pagsisi­yasat ng Valenzuela City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-4 ng madaling-araw habang naka-duty ang suspect nang lapitan at tutukan ito ng patalim ni Malvar sabay sabing “akina na yan baril mo”.

Nang makuha na ni Malvar ang .9mm ni Ocampo ay nagawang mahawakan ng sus­pect  ang kamay ng biktima  hanggang sa magpangbuno ang mga ito.

Nagawang makuha ni Ocampo ang baril sabay pinutukan si Malvar na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Napag-alaman na dati nang nakaagaw ng baril sa ibang guwar­dya  sa nasabing lugar si Malvar.

AYON

BRGY

JOSE RENALDO OCAMPO

KARUHATAN

MALVAR

OCAMPO

OLIVER MALVAR

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with