^

Pekeng AFP reserve, huli ng NBI

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na nagpapanggap na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) reserve command at  malapit na kaibigan ng dalawang gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III  para makapagparehistro umano ng mga kolorum na sasakyan.

Sa pamamagitan ng isang entrapment operation na inilatag ng NBI-Anti Organized Crime Division, nakilala ang suspect na si Dindo Escorpion.

Nadakip ang suspect sa Cubao,  Quezon  City dahil sa reklamo ng isang  Regeve Capalac, na hiningan ng suspect ng P534,000 na umano’y gagastusin sa pag-aaplay ng prankisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa kanyang 10 utility vehicles. Napag-alaman sa ulat ng NBI, siyam na beses umanong humingi ng pera si Escorpion kay Capalac, na nagsimula nitong nakaraang  Disyembre 3, 2011 hanggang Setyembre  25, 2012.

Bukod pa sa idinagdag na P10,000 para umano sa mas mabilis  na pagpapalabas ng dokumento sa tanggapan ni DOTC Secretary Jun Abaya noong Oktubre 19, 2012.

Dahil dito, agad na inilatag ang entrapment operation na kung saan nahulog sa NBI agent si Escorpion.

Sa naturang imbestigasyon, nalaman mula kay Maj. Ruperto Reaso, Adjutant Command ng AFP Reserve, na umano’y  hindi kaanib ang suspect sa AFP.

Una nang sinabi ng suspect sa biktima na malapit umano siyang kaibigan ni DILG Secretary  Mar Roxas at ka-batch ni DOTC Sec. Jun Abaya, para makuha ang tiwala ng biktima.

 

ADJUTANT COMMAND ANTI ORGANIZED CRIME DIVISION ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES DINDO ESCORPION ESCORPION JUN ABAYA LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD MAR ROXAS NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION PANGULONG BENIGNO AQUINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with