^

Dr. Love

Selosong Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Grace Angelu po ng Marikina. Napakaseloso ng mister ko. Gumagawa na nga ako ng paraan para magkapera kami, pilit niya akong pinaaamin na may kalaguyo ako.

Nagtataka siya kung bakit may pera ako na panggastos para sa aming pamilya kahit pandemic. Matindi ang epekto ng pandemic sa aming mag-asawa. Bukod sa pareho kaming nawalan ng trabaho dahil no work, no pay kami kaya naghanap ako ng paraan para kumita.

Mataas ang pride ng aking asawa. Nasanay kasi siyang mayroon kaming kinikita. Pero minsan, mas mataas pa ang pride niya kaysa sahod namin.

Kaya naghanap ako ng maititinda online. Sumali ako sa isang online business. Ok naman, inutang ko lang ang perang pinangpuhunan ko. Hindi alam ng mister ko ang aking pinagkakaabalahan kaya panay ang sita niya sa akin.

Kung ang gobyerno natin ipinagbabawalan tayo lumabas, ganun din ang mister ko.  Hindi ko na lang siya pinakikinggan. Tinutuloy ko lang ang ginagawa ko. Salamat na lang sa Diyos dahil dininig niya ang aking panalangin at hindi niya kami pinababayaan lalo ang mga anak namin.

Grace Angelu

Dear Grace Angelu,

Congrats sa iyo dahil sa ginagawa mong paraan para sa pamilya mo. Ang gusto ko sanang payuhan ay ang asawa mo. Huwag siyang nega…mainam lang ang nega kapag tungkol sa virus. Pero sa buhay, dapat positive ka.

Sa isang banda, baka kulanag sa pansin ang asawa mo. Baka wala ka ng time sa kanya. Huwag mo siyang tingnan kung ano ang wala sa kanya. Continue  praying. Stay safe and stay healthy. God bless sa inyong pamilya.

DR. LOVE

vuukle comment

ANGELU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with