^

Grounded dahil sa bf

(Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Christine Nicole ng Liko Blumenttrit. Nagsisimula pa lang ang taon grounded na kaagad ako dahil nalaman ni mama na nakikipagkita ako sa bf ko.  Pinipilit pa rin ako ng bf ko na magkita kami kahit once a week lang.  Naghintay lang ako ng pagkakataon. Kaso masyadong mahigpit magbantay si mama.

Nagpaalam ako na kukuha ng credential sa dati kong school para ipasa sa school ko ngayon sa college.  Pero siya na lang daw ang mag-aasikaso ng lahat ng papeles ko.

Wala ako ngayong dahilan para makaalis ng bahay. Kahit bumili lang sa tindahan lagi niya akong tinatanong kung saan ako pupunta.

Naipakilala ko na ang bf ko sa mama ko kaso bilang barkada at marami kami noon. Ang akala pa nga ni mama ay bading siya dahil maputi at malinis sa katawan.

Kaso may mga tsutsu sa mama ko, ang mga tito ko. Nakikita nila akong kumain sa fastfood malapit sa amin at hinahatid ako sa may kanto ng lugar namin ng bf ko.

Nitong last Saturday, inabangan ako ng mama ko. Nahuli kami sa akto na naka-akbay pa ang bf ko sa akin. Pinagalitan niya ako at hindi raw ako sumusunod sa social distancing. Kaya simula nun na-quarantine na naman ako. Kahit walang declaration si Mayor.  Pinapipili niya ako kung ang bf ko o tumigil na ako sa pag-aaral?

Siyempre, priority ko ang pag-aaral. Pero mahal ko rin naman ang bf ko. Sana lang maunawaan ako ng bf ko na hindi muna kami laging magkikita. Kahit sa cellphone may oras lang ang paggamit ko.

Christine

Dear Christine,

Huwag kang nagmamadali sa buhay. Tama ang priority mo, pag-aaral kaya nga hinihigpitan ka ng mama mo.

Dapat kang matutong maging honest, lalo na sa parents mo. Kasi lagi silang nag-aalala sa iyo. Babae ka at mahirap kung ano na lang ang mangyari sa iyo.

Sa ngayon tanggapin mo ang desisyon ng mama mo, na huwag munang lalabas-labas. Bukod sa delikado pa rin ang panahon, tiyak na makakatulong ito sa iyong online class. Makaka-focus ka sa iyong pag-aaral. Kung may pagkakataon kang mabigyan ng mensahe ang iyong bf, sabihin mong tulungan ka niyang maibalik ng mama mo ang tiwala niya sa iyo.  Kung mahal ka talaga ng bf mo, mauunawaan ka niya sa kalagayan mo ngayon.

DR. LOVE

BLUMENTRIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with