^

Dr. Love

Nabulag ang mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lamang po akong Lena, 31 anyos at may asawa na diabetic. Sa kabila ng kalagayan niya ay hindi siya sumusunod sa payo ng doktor. Mahilig siyang kumain ng matatamis at malakas pa ring uminom ng alak.

Pinagsasabihan ko siya pero lagi niyang iginigiit ang kanyang baluktot na katuwiran. Aanhin daw niya ang mahabang buhay kung hindi naman siya mage-enjoy. Napakatigas talaga ng ulo niya.

Minsan na nga siyang nagkasugat sa hinlalaki ng paa na hindi na gumaling kaya pinutol ng doktor ang daliri sa kanyang paa. Akala ko magtatanda na siya at magbabago pero hindi. Ang mga kabarkada niya ay puro tomador at wala siyang puknat sa kaiinom.

Binalaan ko siya na kung tuluyan siyang mabaldado dahil sa katigasan ng kanyang ulo ay hihiwalayan ko siya, pero ang sagot niya ay sumige lang daw ako at kaya niya ang kanyang sarili. Hindi ko naman tototohanin ang banta ko dahil mahal ko siya.

Pero unti-unting lumabo ang kanyang pa-ningin at doon lang siya nagsimulang matakot, kaya tumigil siya sa pag-inom. Nagtuloy-tuloy ang panlalabo ng kanyang mata at sabi ng doktor, wala ng pag-asang maibalik ang kanyang paningin. Ngayon ay bulag na siya, kaya hindi na siya nakabalik sa trabaho. Binigyan naman siya ng separation pay ng opisina niya, gayundin ng disability benefit ng SSS.

Pero iritable siya at mainitin ang ulo, bagay na kinaiinis ko dahil inaalagaan ko na nga siya ay binubulyawan pa niya ako. Tototohanin ko na kaya ang banta kong iiwanan siya, tu-tal wala kaming anak? Ano ang dapat kong gawin?

Lena

Dear Lena,

Nang ikasal kayo ay sumumpa kayo sa harap ng Diyos na magsasama sa hirap at ginhawa.

Kung iiwanan mo siya sa ganyang ka-lagayan, sino ang li-lingap sa kanya?

Mabigat mang tanggapin, obligasyon mong alagaan siya kahit pa siya’y nagsusungit. Pagsubok marahil ng Diyos sa iyong katatagan iyan. Huwag kang mawalan ng pananalig sa Pa-nginoon at ipanala-ngin mo siya na sana man lang, mawala ang kanyang kasungitan.

Patuloy mo siyang mahalin sa kabila ng lahat at Diyos na ang bahalang magbigay ng pagpapala sa iyo sa takdang panahon.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with