^

Dr. Love

Ayaw magpatawad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Buong pusong pagpupugay sa iyo. Umaasa akong daratnan ka ng sulat ko na nasa mabu-ting kalagayan. Tawagin mo na lang ako, Estrel, 29 anyos, may asawa at dalawang anak.

Nagsasama kami ng aking mister na parang mga estranghero sa sarili naming bahay. Limang taon na kaming kasal pero hindi kami dating ganito. Maligaya kami noon at nagmamahalan.

Nagsimula lang ang aming hidwaan tatlong taon na ang nakararaan. Noong araw ay very faithful ang asawa ko. Mula sa opisina ay diretso sa bahay ang uwi. Wala siyang bisyo at mahal na mahal ko siya. Hindi ko akalaing darating ang matinding unos sa buhay namin.

Nakipagrelasyon ang mister ko sa isang kaopisina na nalaman ko matapos ang tatlong buwan nilang kataksilan. Balak ko ay ipa-annul ang aming kasal pero humingi siya ng tawad at nangakong hindi na niya uulitin ang pagtataksil niya.

Sinubukan ko siyang patawarin alang-alang sa aming mga anak. Pero hanggang ngayon, hindi pa siya napapatawad ng puso ko. Marami ang nagsasabing patawarin ko na siya ng totohanan pero hirap akong gawin ito.

Sa kabilang silid ako natutulog at ayaw ko na siyang tabihan.  Nakita ko naman na nagbago na siya at laging umuuwi sa oras. ‘Di ko alam kung bakit nakatanim pa rin ang sakit na ginawa niya sa akin. Pagpayuhan mo po ako.

Estrel

Dear Estrel,

Pinatawad mo siya sa labi pero hindi sa iyong puso. Hindi pagpapatawad iyan. Lahat ng tao ay nagkakasala sa iba’t ibang paraan at tayo ay pinatawad lahat ng Diyos dahil lumapit tayo sa kanya at humingi ng pagpapatawad.

Kung mahal natin ang Diyos, sumunod din tayo sa yapak niya at matutong magpatawad. Ang isang kasalanan ay hindi sapat na dahilan upang tuluyan mong itakwil ang isang taong nagkasala sa kabila ng kanyang pagsisisi.

Isipin mo ang unang bahagi ng inyong pagsasama na doon ay naging maligaya kayo at tapat sa isa’t isa. Puwedeng maibalik iyon pero kung isang tao lang ang nagsisikap, mawawalan ito ng kabuluhan.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with