^

Dr. Love

Hindi magkasundo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hiling ko sa Panginoon na datnan kayo ng aking sulat na nasa mabuting kalagayan.

Tawagin n’yo na lang akong Katkat, 22-anyos at may asawa.  Nakikipisan lang kaming mag-asawa sa bahay ng aking bayaw na nangu-ngupahan ng apartment.

Nagboluntaryo ang aking bayaw na sa kanila kami lumagi dahil maliit lang ang sahod ng aking asawa. Nagbibigay din kami ng konti para sa upa ng bahay.

Kaso, tila masama sa loob ng asawa ng aking bayaw ang aming paninirahan doon kaya pinakikitaan kami ng kabastusan. Hindi ko po siya makasundo.

Ano ang gagawin ko?

Katkat

Dear Katkat,

Mas mabuting bumukod na kayong mag-asawa ng tahanan kaysa nakikisama kayo sa taong ‘di n’yo makasundo.

Marami namang murang paupahan na kahit medyo hindi presentable ay magkakaroon kayo ng katahimikan. Isa pa, mas mabuti na sa maagang yugto nang pagsasama ay matuto kayong mamuhay sa sariling sikap kaysa medyo umasa kayo ng tulong sa iba, kahit  pa kamag-anak n’yo.

Basta’t patuloy lang na magsikap ang mister mo para tumaas ang suweldo at makakaahon din kayo sa kahirapan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with