^

Dr. Love

Nagpakasal sa bilanggo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malaki ang ipinagbago ni Florentino simula nang makasal kami. Sa katunayan, nakatulong  ang pagbabagong iyon para maibaba ang sentensiyang habang buhay sa kanya.

Pero Dr. Love, may nagbago rin po sa akin. Dahil unti-unting lumilinaw na sa set up ng relasyon namin ni Florentino, hindi matutupad ang pangarap kong magkaroon sa sariling pamilya. Bagay na ayaw kong mangyari.

Naiisip ko po na ipawalang bisa ang a­ming kasal nang sa gayon ay magkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang lalaking magbibigay ng katuparan sa hangad kong magkaroon ng pamilya.

Pero hindi ko alam kung paano ko sa­sabihin kay Tino ang tungkol dito. Baka kasi magwala siya at tuluyang magpakasama. Masasayang ang pagbabagong nasimulan niya.

Ulila akong lubos nang magkakilala kami sa panulat ni Florentino. Nagkaroon ako ng hangarin na matulungan siyang magbago. At nakita ko ang pagkakataon nang magkalapit kami sa isa’t isa, nakisimpatiya ako sa kanya, na nauwi sa kasalan.

Wala naman pong ibang lalaking kaugnay sa nagiging kalooban ko ngayon. Gusto ko lang pong matupad ang pangarap ko para maging masaya ang buhay ko.

Pagpayuhan po ninyo ako. Maraming sala­mat po at sumainyo ang biyaya ng Panginoon sa panahong ito ng Pasko.

Gumagalang,

Shirley

Dear Shirley,

Gaya ng palasak na kasabihan, ang kasal ay hindi kaning isusubo na kapag napaso ay iluluwa. Hindi naman kaila sa’yo na sentensiyado si Florentino pero nagpasya ka pa ring magpakasal sa kanya.

Wala akong nakikitang ground para mapawalang bisa ang inyong kasal. At isa pa, hindi malayong mangyari na tuluyang malugmok sa kumunoy ang asawa mo kapag nalaman niya ang gusto mong mangyari.

Subukan mong lumapit sa pastor na nagkasal sa inyo para matulungan ka sa pagsubok na nararanasan mo ngayon.

DR. LOVE 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGAY

DAHIL

DEAR SHIRLEY

DR. LOVE

FLORENTINO

GAYA

GUMAGALANG

STRONG

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with