^

Dr. Love

Na-turn off sa live in partner

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Halos sampung taon na rin kaming nagsasama bilang live-in partner ni Karen. Hiwalay siya sa kanyang unang asawa at ako naman ay binata nang magkagustuhan kami.

Wala pang 25 taong gulang noon si Karen at ako ay 30-anyos.

Ang unang atraksiyon ni Karen para sa akin ay ang kanyang magandang katawan. Parang dalaga siya bagaman mayroon ng anak nang magsama kami bilang mag-asawa.

Pero pagkaraang manganak pa ng dalawa na ako ang ama, ang dating magandang katawan ni Karen ay nagbago na. Tinamad na siyang mag-ayos at pinaba­yaan na ang sexy body niya na dating kinababaliwan ko.

Palagi ko siyang sinasabihan na mag-gym pero naging pabaya na siya maging sa kanyang hygeine. Hindi ko po gustong i-justify na nagbabago na rin ako ng attitude sa kanya. Lagi na akong ginagabi ng uwi na ang dahilan ko ay traffic at overtime. Pero ang totoo po, iniiwan ko na ang pagsisiping namin dahil na-turn off ako sa katawan niyang puro bilbil.

Ano po ba ang dapat kong gawin para maganyak ang aking partner na ibalik sa dati ang kanyang magandang katawan? Nangangamba po ako na kapag nagsiping kami at mabuntis uli siya ay lalong maging balyena.

Mababaw lang po bang dahilan ang nararamdaman ko para magbago ako ng feeling sa aking asawa? Payuhan mo po ako. Deep inside me, dama kong mahal ko pa rin ang aking asawa kahit siya ay mukhang balyena na dahil sa pagpapabaya sa katawan?

Gumagalang,

George

Dear George,

Ang partner ay magkatuwang sa lahat ng bagay. Kaya kung talagang seryoso kang manumbalik sa pagiging body conscious ang ka-live in mo, huwag kang magsawa na paalalahanan siya tungkol dito o mas mabuti na ikaw mismo ang humikayat sa kanya para mag-gym. At gawin mo ito nang may pagmamahal. Hindi lamang para manumbalik ang kinabaliwan mong katawan niya kundi para na rin sa kanyang kalusugan.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANO

DEAR GEORGE

DR. LOVE

GUMAGALANG

HIWALAY

KATAWAN

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with