BSKE generally peaceful – PNP

MANILA, Philippines — Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang isinagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa kabila ng mga ilang insidente ng pamamaril sa ilang lugar sa bansa.
Ito ang sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., matapos matanggap ang mga reports mula sa iba’t ibang police offices.
Ayon kay Acorda, kabilang sa mga naitalang aberya ay ang pagkaantala ng pagbubukas ng polling precints sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Region 4B dahil sa pagkaantala ng mga paraphernalia; at power interuption sa Oriental Mindoro; pagkawala ng pangalan sa voters list at pagpapahinto dahil sa commotion sa Puerto Princesa, Palawan at ang pag-atras ng ilang mga guro bilang board of election inspectors sa Lanao del Sur, Maguindanao del Sur, Abra at Kalinga.
Tiniyak din ni Acorda na itutuloy ang imbestigasyon sa mga insidente partikular ang mga crime incidents na may kaugnayan sa eleksiyon.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Acorda na ang lahat ng aberya at problema ay tulung-tulong na tinugunan ng PNP, Comelec at AFP.
- Latest


















