^

Bansa

Abandonadong bagahe sa NAIA, may lamang P19.35-M shabu pala

James Relativo - Philstar.com
Abandonadong bagahe sa NAIA, may lamang P19.35-M shabu pala
Litrato ng milyun-milyung pisong halaga ng pinaghihinalaang shabu sa NAIA-1 na siyang pagmamay-ari raw ng isang Ugandan national, ika-17 ng Mayo, 2023
Released/Bureau of Customs

MANILA, Philippines — Milyun-milyong pisong halaga ng pinaghihinalaaang iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad matapos madiskubreng nakatago sa isang bagaheng kalahating taon nang hindi kine-claim sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Miyerkules lang nang matuklasan ng Bureau of Customs - NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group na nakasilid ang naturang stash ng "shabu" sa loob ng abandonadong luggage.

"The luggage belonged to a Ugandan passenger and arrived in the Philippines, via Ethiopian Airlines flight number ET628 and Philippine Airlines flight number PR 737," wika ng Customs sa isang pahayag kahapon.

"The luggage underwent x-ray, K9 sniffing, and 100% physical examination, which revealed 2.846 kilograms of shabu hidden inside a range of tools along with other personal effects. PDEA confirmed the estimated value of the seized shabu to be P19,352,800."

 

 

Sa hiwalay na ulat ng GMA News, sinasabing Disyembre 2022 pa nang dumating sa Pilipinas ang Ugandan national na may-ari nito. Gayunpaman, hindi raw nakalusot sa Immigration ang banyaga kung kaya't pinabalik sa kanilang bansa.

Paliwanag ni Gerald Javier, deputy commander ng PDEA-NAIA-IADITG, hindi kasama ng dayuhan sa flight ang bagahe kung kaya't hindi na na-claim.

"Late po dumating so meaning nakabalik na po 'yung pasahero sa kanyang country of origin, saka naman dumating 'yung bagahe rito sa Pilipinas," paliwanag niya.

"Magko-coordinate po tayo sa ating foreign counterparts to backtrack po 'yung pagkakakilanlan po nitong personality na ito and also with our counterparts in the Bureau of Customs, Bureau of Immigration at 'yung airlines po."

Ayon sa PDEA, posibleng natabunan ang bagahe kung kaya't matagal bago nainspeksyon.

Sasailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang luggage habang iniimbestigahan ang pasahero para sa posibleng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Drug Act) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with