^

Bansa

PhilMech head, nangako ng reporma

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako ang pinuno ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na si Dr. Dionisio G. Alvindia na magpapatupad ng mga pagbabago sa ahensya sa hangaring matigil ang katiwalian at mapabuti ang paghahatid nito ng serbisyo publiko.

Ang pahayag ay ginawa ni Alvindia upang ipagtanggol ang hakbang na i-reshuffle ang walong tauhan ng PhilMech na iniimbestigahan dahil sa umano’y kaugnayan sa mga ilegal na aktibidad sa loob ng ahensya.

Nangako rin si Alvindia na magiging mas transparent sa paggastos nila ng pondo at pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng makinarya na magagamit ng milyon-milyung magsasaka sa bansa.

Nauna rito, nasa walong tauhan ng PhilMech ang ni-reshuffle sa puwesto upang maiwasang maimpluwensyahan ang resulta ng mga imbestigasyon na isinasagawa ng ahensya laban sa kanila.

Ikinalungkot din ni Dir. Alvindia na may isang grupo ng “PhilMech Retirees” na sumasakay sa isyu sa loob ng ahensya, at sumasama pa sa mga apektadong tauhan sa pagpapakalat ng mga ito ng maling akusasyon.

Alegasyon ng grupo na ang mga bagong appointees ay mga outsider at non-PhilMech personnel na kulang sa karanasan sa larangan ng agrikultura.

Ani Alvindia, ang mga bagong opisyal ay pawang kuwalipikado sa puwesto at may kakayahan sa mga posisyon ng Deputy Director at Division chief dahil lahat sila ay mga empleyado ng PhilMech at may hawak na mas mahusay na mga kwalipikasyon at educational attainment.

vuukle comment

PHILMECH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with