^

Bansa

P20 parking fee, isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P20 parking fee, isinulong
Undated stock photo shows the parking basement of an establishment.
Image from Pixabay

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Ramon Revilla Jr., ang panukalang batas na nagtatakda ng maximum na singil sa parking area.

Sa Senate Bill 1463 ni Revilla, dapat ay P20 lang ang parking fee sa lahat ng uri ng sasakyan para sa unang tatlong oras at P5 sa bawat oras na kasunod.

Nakasaad pa sa panukala, na kapag motorsiklo ay P10 sa unang tatlong oras at P2 sa bawat oras na kasunod, at kapag overnight parking ay P100 sa lahat ng uri ng sasakyan at karagdagang P50 sa susunod na bawat oras.

Kung namili naman sa commercial establishment dapat ay libre na ang parking fee kapag hindi bababa sa P500 ang pinamili sa unang tatlong oras.

Sa ilalim ng panukala ang sinumang lalabag dito o maniningil ng labis-labis sa parking fee ay pagmumultahin ng P100,000 sa bawat paglabag.

Ayon kay Revilla, chairman ng Senate Committee on public works, na dahil unregulated ang parking fee kaya walang nagagawa ang mga nagmamay-ari ng mga sasakyan kundi magbayad ng malaki sa parking.

PARKING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with