^

Bansa

Bong Go: Tensyon sa Taiwan, OFWs protektahan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nababahala si Senator Christopher “Bong” Go para sa overseas Filipino worker sa East Asia sa gitna ng tumitinding tensyon ng iba’t ibang stakeholders sa Taiwan.

Dahil dito, nanawagan ang senador sa Department of Migrant Workers na maghanda ng contingency plan sakaling lumala ang sitwasyon sa nasabing bansa.

“Lubos akong nababahala para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga OFW na nagtatrabaho sa iba’t ibang bahagi ng Silangang Asya dahil sa pagtaas ng tensyon sa pagitan ng mga stakeholder sa Taiwan,” sabi ni Go sa isang pahayag.

Nanawagan din siya sa gobyerno, partikular sa bagong buong DMW, na agad magsagawa ng mga contingency measures sakaling lumala ang sitwasyon.

Hinimok ng senador ang DMW na tiyaking nakahanda ang “potential assistance and reintegration programs” ng gobyerno sakaling kailanganin ang mga kinauukulang OFW na makauwi sa Pilipinas.

Samantala, binigyang-diin ni Go na umaasa siyang ang mga bansang sangkot ay magpipigil at gagamit ng mga diplomatikong channel para mabawasan ang tensyon at makahanap ng mapayapang solusyon.

Tumindi ang tensyon sa Taiwan matapos bumisita sa isla si United States House Speaker Nancy Pelosi noong Agosto 2.

Kinondena ng China, na tinitingnan ang Taiwan bilang isang breakaway province, ang pagbisita na nagresulta sa pagsasagawa nito ng mga military drills sa paligid ng isla.

OFW

TAIWAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with