^

Bansa

180 katao inilikas sa pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon

James Relativo - Philstar.com
180 katao inilikas sa pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon
Provincial Disaster Risk Reduction Management officers guide vehicles passing through the highway of Juban town, Sorsogon Province, after the sudden eruption of Bulusan Volcano on June 5, 2022.
AFP/Sharbyn Sayat

MANILA, Philippines — Nasa 50 pamilya o katumbas ng 180 katao na ang in-evacuate mula sa Brgy. Puting Sapa sa Juban, Sorsogon matapos ang nangyaring phreatic eruption ng Bulkang Bulusan na nagdulot ng "heavy ashfall" at matinding amoy sa lugar.

"Most of the evacuees are the vulnerable sector such as children, pregnant women and senior citizens," wika ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) information officer Easha Mariano, Lunes.

Matatandaang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level 1 (low-level volcanic unrest) sa naturang Bulkan dahil nangyaring pagputok bandang 10:37 a.m. noong Linggo.

Kanina lang nang sabihin ng Phivolcs na umabot sa 17 minuto ang haba ng phreatic na pagputok ng Bulusan, maliban pa sa 29 volcanic earthquakes sa nakaraang 24 oras. 

Nagkaroon din ng malakas na pagsingaw na aabot ng 150 metro taas na napadpad sa hilagangkanluran. Kasalukuyan ding namamaga ang bulkan.

Ipinagbabawal sa ngayon ng Phivolcs ang:

  • pagpasok sa 4 k.m. radius Permanent Danger Zone at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2 k.m. extended danger zone sa gawing timog-silangan
  • paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan

Maaari rin daw maganap ang biglaang pagputopk ng "steam o phreatic explosions," dagdag pa ng state volcanologists.

Kahapon lang nang sabihin ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na 14 hikers ang nasa danger zone noong panahon ng eruption kasama ang apat na guides ngunit agad din daw nailikas. Ani Mariano, bukas ang naturang hiking trail tuwing nasa Alert Level 0 ang Bulusan at kung pumapayag ang local government unit.

Naapektuhan naman ang pasok ng tatlong paaralan dahil sa ashfall ng bulkan:

  • Puting Sapa Elementary School 
  • Sangkayon Elementary School 
  • Añog Elementary School

Pagresponde ng PNP

Kasalukuyang naka-"full alert" ang Philippine National Police (PNP) para respondehan ang kasalukuyang epekto ng Bulusan sa probinsya ng Sorsogon.

Patuloy na minamanmanan ng mga kawani ng Bulusan Municipal Police Station, sa pakikipagtulungan ng iba pang police stations sa lugar, ang aktibidad ng naturang bundok para sa posibleng evacuation, search and rescue operations sa apat na baranggay.

"I know that the situation may also be difficult for our police personnel because their lives can also be at risk, but they have shown genuine service by way of monitoring and responding to this unfortunate event," ani PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr kanina.

"We will keep watch of the development since anything can still happen. We remind the residents to be vigilant and cooperative whenever force evacuation is implemented."

Agad naman daw nakipag-ugnayan ang Juban Municipal Police Station sa Jubanm Fire Station para sa flushing ng abo na naipon sa kalsada.

Relief operations ikinakasa

Kahapon lang nang sabihin ni outgoing Vice President Leni Robredo, isang taga-Bikol, na naghahanda na sila ng relief operations sa Bulusan, Sorsogon at mga kalapit nitong mga lugar.

"Immediate needs identified are face masks and bottled water," wika ng bise presidente.

"Our team will be travelling to Sorsogon [as soon as possible]. Will continue to update you of other needs... Affected areas for now are Juban and Irosin."

may mga ulat mula kay Franco Luna

BULUSAN VOLCANO

LENI ROBREDO

NDRRMC

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHIVOLCS

SORSOGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with