^

Bansa

Mt. Bulusan, sumabog; Alert Level 1, itinaas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mt. Bulusan, sumabog; Alert Level 1, itinaas!
Napuno ng ashfall ang mga pananim at kabahayan sa bayan ng Juban, Sorsogon nang pumutok ang Bulkang Bulusan kahapon. Samantala binuhusan ng tubig ng mga residente ang mga abo sa harap ng kanilang mga bahay.
Sharbyn Sayat/AFP

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng phrea­tic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo ng umaga sanhi upang itaas ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal.

“Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which means that it is currently in an abnormal condition,” anang Phivolcs.

Ayon kay Phivolcs Director and Science Undersecretary Renato Solidum Jr., ang phreatic eruption ay nagsimula alas-10:37 ng umaga at nagtagal ng 16 na minuto.

“Kanina, nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulusan Volcano... ‘Yung pagsabog ay sanhi ng pagpapakulo ng tubig sa ilalim ng crater. Tumagal ito ng 16 minutes at patuloy natin itong sinusubaybayan,” ani Solidum.

Sa inisyu namang bulletin ng Phivolcs, sinabi nito na nagtagal ng 17 minuto ang pagputok ng bulkan at naobserbahan umano ang steam-rich grey plume na umabot sa hanggang isang kilometro ang taas, mula sa munisipalidad ng Juban, bago ito tinangay ng hanging patungong kanluran.

Dahil dito, kusang nilisan na ng ilang residente sa mga bayang nakapaligid sa Mount Bulusan ang kanilang mga tahanan, lalo’t umabot na sa ilang komunidad ang ashfall.

May mga naiulat ding ashfall sa Juban at Casiguran, gayundin sa apat na barangay ng Irosin.

Ligtas at agad namang nakababa sa bulkan ang 14 mountainers mula sa Calabarzon area at Metro Manila kasama ang apat na local tour guide na umakyat galing sa bayan ng Barcelona.

Hindi pa nagpapatupad ng forced evacuation sa lugar pero naglibot naman ang mga tauhan ng Barangay Cogon sa Irosin para mamahagi ng face mask at tinututukan na rin ang sitwasyon.

Naobserbahan din aniya nila ang pagdami ng volcanic earthquakes sa bulkan nitong nakalipas na magdamag na umabot sa 77.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Solidum ang mga residente na iwasan ang four-kilometer radius ng permanent danger zone. — Jorge Hallare

 

vuukle comment

MT. BULUSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with