^

Bansa

BBM: Mga magulang, bigyang kasiguruhan sa kaligtasan ng bakuna

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni presidential aspirant at da­ting Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pamahalaan na magsagawa ng mas marami at malawakang information campaign drive hinggil sa isinasagawa nilang vaccination program kontra COVID-19, upang ma­bigyan ng kasiguruhan ang mga magulang hinggil sa kaligtasan ng mga ito para sa kanilang mga anak.

Ang pahayag ay ginawa ni Marcos, kasunod nang pagsisimula na ng Department of Health (DOH) sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga teenagers na nasa 12-17 age group noong Oktubre 15.

“Yung information drive na kailangan gawin ng ating pamahalaan ay dapat maipaliwanag ulit na yung bakuna ay kailangan na kaila­ngan natin at yung mga binibigay na vaccine ay lahat safe,” ayon pa kay Marcos.

Tinukoy pa ni Marcos ang Dengvaxia incident na naging isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng vaccine hesitancy sa mga magulang.

Nagpahayag naman ng paniniwala ang presidential aspirant na malaki ang maitutulong ng isang epektibong information campaign upang makumbinse ang mga magulang na magpabakuna na, at pabakunahan na rin maging ang kanilang mga anak.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with