^

Bansa

Sa gitna ng lockdown, PSN naging libangan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahirap maging  isang maybahay lamang, simula paggising pa lamang hanggang gabi ay hindi natatapos ang gawain, ang sabi nga 24/7 ay paulit-ulit lang ang ginagawa ng mga maybahay, subalit wala namang sahod.

Kaya kanya-kanya ang mga maybahay para maalis ang kanilang mga stress, mayroong nagsu-zumba, naggi-gym, nagjo-jogging at kung mayroong budget ay nagpapa-parlor, nagpapaganda o nagsa-shopping. Habang ang iba naman ay nanonood ng Korean novela o kaya ay nagbabasa naman ng mga libro, magazine at maging ng dyaryo.

Isa si Elena Penarubia Rey, 35, ng Mo­des­ta Village San Mateo Rizal, may tatlong anak at company driver ang asawa na gumagawa ng paraan para maalis ang kanyang stress at ito ay ang pagbabasa ng dyaryo. Mahigit 10-taon na umanong nagbabasa ng Pilipino Star Ngayon (PSN) si Elena kung saan tuwing umaga ay idinidileber ito sa kanya.

Pangunahing sini-silip agad ni Elena ay crossword puzzle na nakakawala ng kanyang stress. Kasunod na ang ibang pahina.

Subalit noong nakaraang taon ay nalungkot si Rey dahil nawalan siya ng supply ng PSN dahil sa pinaiiral na lockdown, na hindi naman naging hadlang para hindi ma-tuloy ang pagbabasa niya ng pahayagan.

Kahit naka-data lang ay pinipilit niya na makapagbasa ng dyaryo sa pamamagitan ng website na Pilipino Star Ngayon na itinuturing niyang stress reliever.

 Katulad ni Rey, mistulang stress reliever din ni Irene Flores, 41, ng Good Harvest subdivision, Brgy 172 Caloocan City ang  pagbabasa ng PSN sa loob ng mahigit na limang taon. Bukod kasi sa pagiging may-bahay ay manikurista rin si Flores. 

Tuwing umaga ay bumibili siya ng dyaryo sa kanto ng kanilang subdivision kaya na-kagawian na niya ang pagbabasa ng PSN, subalit noong nakaraang taon nang magsimula ang lockdown dahil sa pandemya ay nawala na ang kanyang binibilihan ng dyaryo.

Hindi naman ito na­ging hadlang kay Flores, kaya sa website ng Pilipino Star Ngayon siya nagbabasa araw-araw. Sa pamamagitan umano ng pagbabasa hindi man sa dyaryo ay marami siyang naku-kuhang kaalaman.

Ayon kay Flores, malaking tulong din sa kanya ang pagbabasa ng PSN lalo na kung hindi siya nakakapanood ng telebisyon at nakakapakinig sa radio dahil updated pa rin siya sa mga nangyaya-ri sa kanyang kapaligiran.

Sinabi nila Rey at Flores na patuloy nilang babasahin ang PSN hindi lang para malibang, para rin makapulot ng mahahalagang impormasyon at magagamit nila pang araw-araw.

Binati rin ng mga nasabing mambaba-sa ang PSN sa ma­­­ta­gumpay nitong 35-taong anibersaryo sa industriya ng mala­yang pamamahayag.

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with